My verdict as an IT student on Corona trial
<?php
$desicion1 = ‘acquit’;
$desicion2 = ‘convict’;
if($decision1 == ‘acuqit’)
{
echo “Ahahah, Abswelto ako! - CJ Corona<br/>”;
}
elseif($decision2 == ‘conivct’)
{
echo “Yari sibak ako - CJ Corona!<br/>”;}
else {
echo “TANGINA MO GLORIA! TANGINA MO!”;
}
?>
(Source: finetimemark)
Ikaw na nga ang may kailangan, ikaw pa ang galit. Aba mali ata yung ganung pananaw ‘ah. Kahit na sabihin mong may pinag samahan tayo e kung sa hindi ko talaga kaya o wala talaga akong maibibigay. Mahirap naman siguro kung magbibigay ako ng sapilitan. Handa naman akong tumulong e, kung alam kong may maitutulong ako. Pangit din naman kung ikaw din mag sasabi ng gagawin ko (itutulog ko). Hindi ba pwedeng hintayin mong ako ang magbigay, ako ang magkusa.
(Source: finetimemark)
Bahay ni Lola
Balot ng kadiliman ang buong kabahayan. Tanging ilaw mula sa altar ang nagsisislbing liwanag sa buong bahay. Ramdam mula sa bintana ang malamig na hangin mula sa labas. Rinig ang galaw ng mga punong kawayan na pinasasayaw ng malakas na hangin. Dis oras na ng gabi, tulog na ang lahat ng tao sa bahay. Kahit namamahay pilit kong pinatutulog ang aking sarili, ngunit pinipigilan ito ng sakit na nagmumula sa aking pantog. “Punyeta!, puputok na” gustuhin ko mang pumunta ng banyo para umihi hindi ko magawa. Kailangan ko pang baybayin ang madilim na pasilyo ng bahay para lang makarating sa kubeta. ”Oo” aaminin ko na takot ako pero wala na akong magagawa kundi lakasan ang aking loob. Ayoko namang mabasa at mag amoy ihe ang aking tulugan. Dahan dahan akong naglakad sa pasilyo. Nakikiramdam at nagmamasid. Halos kumalas ang bawat buto sa aking katawan dahil sa lakas ng kaba sa aking dibdib. Isang pintuan bago ko marating ang kubeta isang kwarto ang bahagyang nakabukas. Sumisilip mula sa labas ng kwarto ang liwanag mula sa bumbilya. Sa pag kakaalam ko kwarto ‘yun ng kasambahay ni lola. Dala na rin ng pagkausyoso sumilip ako sa kwarto. At nakita ko ang kasambahay ni lola kasama ang aking pinsan na nagtatalik. Nawala ang takot sa aking buong katawan at napalitan ng kaba. Hindi ko rin alam kung anong klaseng kaba ‘yun. Tahimik akong nakamasid sa kanilang ginagawa. At dahil may katagalan na akong nanonood binulabog nalang ako ng aking basang salawal. “Tangina!” Huli na ng malaman kong hindi na ako umabot sa banyo.
(Source: finetimemark)
KOKAK, KOKAK, KOKAK
backround music ko habang nag babrowse sa net.
(Source: finetimemark)
Ang hirap kapag may Deadline kang hinahabol. Lagi kang aligaga, lagi kang tensiyonado at hindi mapakali. Maya’t maya pumapasok sa isip mo yung mga bagay na naghihintay para tapusin. Bawat araw na lumilipas alam mong papalapit ka ng papalapit sa dulo.
Kahit na ayaw ko pang dumating ang araw na yun, sa huli alam ko namang wala rin akong ibang magagawa. Ang tangi at nag iisang solusyon sa problema ko ay ‘tapusin ang dapat tapusin’. Salitang madaling sabihin pero sa sitwasyon ko mahirap gawin.
(Source: finetimemark)
Ang Bayan Kong Sinilangan - ASIN
Isa sa mga musikang kailan man hindi maluluma sa aking tenga.
Kung sa eskwela at opisina nga may ganito. Para makapagpahinga, makapag isip at mag enjoy ng kahit sandaling oras.
Sa isang relasyon pa kaya?
(Source: finetimemark)
May mga pagkakataon sa buhay na ito lang ang kulang para lubos na maisakatuparan ang isang bagay - LAKAS NG LOOB
(Source: finetimemark)
Nakakabwiset lang dun sa mga taong walang pinipiling lugar. Alam mo yung ultimo sa lamay kumukuha ng pang primary picture sa facebook! At take note na kapamilya pa nila yung nakahimlay.
(Source: finetimemark)
Ayokong makiuso. Ayokong ilagay dito kung ano ang gusto ko sabihin sa kanya. Ayokong bumati dito (tumblr o facebook) ng kung anong okasyon meron ngayon. Mas mabuti pang sabihin ko nalang ng personal sa kanya. Para saan pa kung isusulat ko ang lahat dito? Alam ko namang hindi makakarating sa kanya. E sa wala namang account dito si ‘Ermat’ para mabasa niya.
Pepersonalin ko nalang siya bukas ng umaga. At sinisiguro kong sa ganung paraan mas ma-aapreciate niya.
(Source: finetimemark)
